Martes, Agosto 16, 2011

Wastong Gamit ng NG at NANG

Nang - karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap.
      Halimbawa: Nang ako'y dumating sa aming tipanan, sila ay nakaalis na.

  • buhay sa na at inaangkupan ng ng ay ginagamit bilang pang-abay na pamanahon.
         Halimbawa: Gabi nang dumating ang mag-ama.
  • bilang pang-ugnay sa pandiwa at sa pang-abay na pamamaraan.
         Halimbawa: Lumakad nang paluhod si Aling Nena sa simbahan ng Baclaran.
  • bilang kasingkahulugan ng upang at panumbas sa "so that" at " in order to" sa Ingles. 
        Halimbawa: Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa pagsusulit.
NG - bilang pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa.
        Halimbawa: Ang mga kabataan ay nagtatanim ng punongkahoy.
  • bilang pang-ukol na katumbas ng " with" sa Ingles.
         Halimbawa: Ang mang-aawit ay pinasalubungan ng palakpakan.
  • bilang pantukoy na kasama ang salitang nagpapakilala ng pag-aari sa pangungusap.
          Halimbawa: Ang mga silid-aralan ng DCHS ay malilinis.