Halimbawa: Nang ako'y dumating sa aming tipanan, sila ay nakaalis na.
- buhay sa na at inaangkupan ng ng ay ginagamit bilang pang-abay na pamanahon.
Halimbawa: Gabi nang dumating ang mag-ama.
- bilang pang-ugnay sa pandiwa at sa pang-abay na pamamaraan.
Halimbawa: Lumakad nang paluhod si Aling Nena sa simbahan ng Baclaran.
- bilang kasingkahulugan ng upang at panumbas sa "so that" at " in order to" sa Ingles.
Halimbawa: Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa pagsusulit.
NG - bilang pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa.
Halimbawa: Ang mga kabataan ay nagtatanim ng punongkahoy.
- bilang pang-ukol na katumbas ng " with" sa Ingles.
Halimbawa: Ang mang-aawit ay pinasalubungan ng palakpakan.
- bilang pantukoy na kasama ang salitang nagpapakilala ng pag-aari sa pangungusap.
Halimbawa: Ang mga silid-aralan ng DCHS ay malilinis.